Advertisers
LUMOBO pa ang kumpirmadong nasawi sa pana-nalasa ng bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao.
Batay sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 172 na ang natanggap nilang ulat na nasawi, 156 sa Eastern Visayas, 11 sa Western Visayas, tatlo sa Davao Region at dalawa naman sa Central Visayas.
May 110 pa ang napaulat na nawawala at patuloy na pinaghahanap, 104 sa kanila ay sa Eastern Visayas, lima sa Western Visayas at isa sa Davao Region.
Sa kabuuan, 2,419 barangays sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM ang naapektuhan at 2,015, 643 indibiduwal ang apektado at 207,572 ang nananatili sa mga evacuation centers.
May siyam na tulay at 69 kalsada sa mga apektadong rehiyon ang hindi pa rin nadadaanan.
Umabot naman sa 10,393 bahay ang napinsala habang umakyat na sa P700 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.