Advertisers

Advertisers

5,599 pulis na sangkot sa iba’t ibang krimen sinibak

0 346

Advertisers

NASA 5,599 na mga pulis ang tululuyang sinibak sa serbisyo ng Philippine National Police dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen mula July 2016 hanggang March 30,2022

Ang pagsibak sa serbisyo ng nasabing bilang ng mga pulis ay isinagawa ng Pambang Pulisya base sa rekomendasyon ng PNP Internal Affair Service matapos ang masusing imbestigasyon sa mga kasong kinasasakutan nito na bahagi ng isinagawang Internal Cleasing Program.

Bukod sa pagsibak sa serbisyo, pinatawan din ng kaukulang parusa ang ilang mga pulis na mayroong less serious offense.



Sa datos, mula 2016 hangang march 22, 1,128 mga pulis ang na-demote, 10,490 ang sinuspinde, 848 ang pinatawan ng walang sahod, 2,475 ang na-reprimand, 208 ang restricted at 286 ang tinanggalan ng pribilehiyo.

Mula sa 5,599 na sinibak sa serbisyo, 714 ang sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang nasabing bilang ng mga mga pulis na napatawan ng karampatang parusa ay nagpapatunay na seryoso ang pamumuan ng PNP sa kampanya nito na malinis ang hanay ng kapulisan sa mga masasamang elemento.

Kaugnay nito, tinutulan naman ni Carlos ang ipinalabas na report ng Unites State Department of States na annual report sa human right na nagsaad na ang PNP IAS ay ineefective.

“It will be unfair for the PNP to be regarded as an organization that tolerates impunity and human rights abuses,” ani Carlos.



“The PNP will always stand for what is right, just and fair. Although it’s going to be an uphill battle for the PNP, we will be enforcing the law without fear and favor. We will continuously improve our system and organization in order to protect and serve the Filipino community,” dagdag ni Carlos. (Mark Obleada)