Advertisers

Advertisers

Van bumulusok sa bangin: 4 lasog!

0 255

Advertisers

Patay ang mag-asawang pastor at kanilang dalawang anak nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang white starex van nitong Sabado de Gloria sa Gonogon, Bagumbayan, Tabuk City.

Nasawi ang mag-asawang pastor ng New Life Fellowship International Pentecostal ng Dilag, Tabuk City, Kalinga na sina Marcelo Sagyaman at Marivic Sagyaman pati ang kanilang dalawang anak na sina Marvin Sagyaman at Asrel Sagyaman sa kanilang biyahe pauwi galing sa convention ng kanilang simbahan sa Lubon, Tadian, Mountain Province.

Nahulog sa bangin at dumiretso sa Chico River ang white starex van na sinasakyan ng pamilya. Nangyari ang aksidente sa Gonogon, Bagumbayan, Tabuk City 4:30 ng madaling araw.



Rumesponde ang mga residente ng naturang lugar. At agad pumunta si Conner, Apayao Mayor Martina Dangoy upang sunduin ang mga bangkay at iuwi sa Apayao kung saan nakatira ang pamilya Sagyaman.