Advertisers
NALITSON nang buhay ang tatlong magkakapatid nang sumiklab ang sunog sa loob ng kanilang bahay Linggo sa Cabanatuan city.
Kinilala ang mga nasawi na sina Julius Cesar Gonzales, 12; Christine Joy, 11; at Celina, 3, pawang mga residente sa Barangay D.S. Garcia, Cabanatuan City.
Sa report ng Bureau of Fire Protection Cabanatuan City, 8:29 ng umaga nang magsimula ang sunog sa tahanan ng pamilya Gonzales .
Sa paunang imbestigasyon, natutulog pa ang magkakapatid ng mangyari ang sunog at na-trap ang mga ito sa loob ng bahay.
Nagtulung-tulong naman ang mga kapitbahay na apulahin ang apoy hanggang sa tuluyan itong naapula 8:55 ng umaga pagdating ng mga tauhan ng pamatay-sunog.
Narekober ang sunog na bangkay ng magkakapatid.
Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na naging sanhi ng sunog.
Umabot naman sa higit P100,000 ang halaga ng mga kagamitan na nasunog habang dalawa pang bahay ang partially damage.