Advertisers

Advertisers

Jeep bumaligtad: 3 patay, 17 sugatan

0 197

Advertisers

Patay ang tatlong katao habang 17 ang sugatan nang bumaliktad ang sinasakyan pampasherong jeep sa Tanay, Rizal.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maximo Legaspi, Manuel Peralta y Hipolito, Alyas Butor; habang dinala sa Tanay Gen Hospital ang mga sugatan na sina Jocelyn Calinawan, Mario Legaspi, Jake Real, John Deniel Real, Ligaya Barcante, Francis Charles De Jesus, Trici Ann Prestado, Bea Flores Makahilos, Arnold Flores, Jamil Prestado, Ayesha Prestado, Felisicima Buendia y Velasquez, Rodolfo Cunana y Amor, Joseph Prestado, Emilus Quico Prestado, Zean Benidict Cruz, at Ynna Conarco upang malapatan ng lunas sa tinamong mga sugat at pasa sa katawan.

Sa report, 9:00 ng umaga ng maganap ang aksidente sa Sitio Alas-asin, Brgy Daraitan, Tanay Rizal.



Sakay ang mga biktima sa pampasaherong jeep na may plakang TWU 901 na minamaneho ni Noel Butor y Tarlade at binabagtas ang kahabaan ng Daraitan Rd Brgy Daraitan, Tanay at pagsapit sa pakurbadang daan ng bigla na lang bumalidtad ang sasakyan at tumama sa poste ng Meralco.

Nasawi noon din ang tatlong biktima sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan habang isinugod naman ng mga rescuer ang mga sugatan sa ospital upang malapatan ng lunas.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin ang sanhi ng pagbaliktad ng nasabing sasakyan.(Mark Obleada)