Advertisers

Advertisers

Konsehal ginamit sa pag-order ng pagkain sa online

0 132

Advertisers

Ginamit na naman ng ‘di nakilalang indibidwal ang pangalan ng isang konsehal ng Olongapo para makapag-order ng pagkain online.

Kahalintulad ang modus ng mga nakalipas na pangyayari kung saan mag-oorder sa mga food delivery ang suspek gamit ang pangalan ng kilalang tao at pagkatapos ipapa-deliver sa City Hall.

Ayon kay Konsehal Jerome Bacay, nasa P3,700 ang halaga ng popcorn na unang dumating sa kanilang opisina at nakapangalan sa kanya.



Maliban dito, mayroon pang isang order na nakapangalan rin sa kanya at nagkakahalaga ng P5,000.

Mabuti na lamang umano dahil kilala siya ng may-ari ng establishemento kaya itinawag muna sa kanya para kumpirmahin kaya hindi na ito natuloy na i-deliver pa sa City Hall.

Panawagan ni Bacay sa mga food delivery at negosyante na kapag may mga ganitong order, kumpirmahin muna sa taong ginagamit ang pangalan para maiwasang mabiktima ng scam.

Kaugnay nito, agad ring nag-abiso sa publiko si Vice Mayor Jong Cortez para hindi na mabiktima pa ang ibang mga negosyante.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">