Advertisers

Advertisers

PAGCOR pinagpapaliwanag ng Senado sa pag-operate ng e-sabong kahit Holy Week

0 115

Advertisers

PINAGPAPALIWANAG ng Senate committee on public order and dangerous drugs ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa pagpapahintulot nitong magpatuloy ang operasyon ng e-sabong kahit pa nitong Semana Santa, partikular noong Good Friday (April 15).

Ayon kay Senador Francis Tolentino, isa itong gross violation ng ating pananampalataya.

Batay aniya sa ulat na nakarating sa opisina ni Tolentino, business as usual pa rin ang e-sabong operator na Pitmasters Live ni Atong Ang nitong Biyernes Santo, at katunayan ay nagkaroon pa ng 200 matches o sultada.



Ito ay habang ang ibang mga negosyo at mga PAGCOR-regulated casino ay piniling magsara muna, bilang respeto sa religious tradition.

Giit ni Tolentino, hindi nagawa ng Pagcor ang kanilang trabaho at nakalimutang dapat nilang i-regulate ang operasyon ng e-sabong.

“If Pagcor is listening, I took note of the fact that several Pagcor casinos were closed out of respect for the Good Friday commemoration. Pero ang nagre-regulate hinayaan ‘yung nire-regulate na magbukas at mag-operate. There were even e-sabong activities last Good Friday,” wika ni Tolentino sa kanyang opening statement.

“Pero there was gross violation of our faith. I don’t know why it was done. Probably Pagcor slept on its job. Pagcor probably forgot that they are supposed to regulate as they claimed they are regulating,” diin ng senador.

Sinang-ayunan naman ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang naging pahayag ni Tolentino. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">