Advertisers
HINDI pabor si House Committee on Metro Manila Development vice chair Rodolfo Ordanes sa panukala ng MMDA na magpatupad ng 2-day coding scheme.
Ayon kay Ordanes, hindi makatwiran ang plano na ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ito ay maituturing na deprivation of use of property ng mga indibidwal.
Punto nito, tatlong araw lamang magagamit ng mga motorista ang kanilang sasakyan gayong limang araw ang pasok sa trabaho.
Dagdag pasakit naman aniya ito para sa kanila na kailangang gumamit ng pampublikong transportasyon o gumastos para sa ride hailing services.
Batay sa plano ng MMDA, dalawang araw sa loob ng isang linggo ipapatupad ang number coding.
Mungkahi naman ng senior citizen party-list solon, bawasan ng kalahati ang singil sa skyway at elevated roadways upang mas maraming motorista ang makadaan at mabawasan ang traffic congestion sa service roads.
“Instead of the two days of coding banning private vehicles from major roads, I suggest reducing by 50 percent the toll fee on the Skyways and other elevated roadways. This way, traffic congestion can be truly eased at ground level because a substantial number of vehicles will instead use the elevated roads.” saad ni Ordanes. (Henry Padilla)