Advertisers
Putol ang isang paa ng batang lalaki at nadurog ang isa pa nang masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang biktimang nasawi tinatayang edad 9 hanggang 12 taong gulang at nakasuot ng itim na T-shirt at pajama.
Nangyari naman ang insidente noong Huwebes Santo.
Hawak naman ng pulisya ang driver/machinist ng PNR Locomotive Train na may body number na DEL 921 na si Arjay Barlaan para sa imbestigasyon.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng northbound lane ng riles ng tren sa Antipolo Street malapit sa kanto ng Ipil Street, Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa nakakita sa pangyayari na si Eleseo Paragas, 11 taong gulang, naglalaro ito nang makitang nahagip ng tren ang biktima at makaladkad pa ng tren dahilan para maputol ang isang paa nito at sanhi ng agarang pagkamatay. (Jocelyn Domenden)