Advertisers

Advertisers

ISKO TO LENI, COME AND JOIN US!

0 174

Advertisers

“IT’s just a fair call. Kung ano ang sinabi nila, ibinabalik lang namin sa kanila,” sinabi ni Aksyon Demokratiko presidential bet Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa ambush interview ng mga reporter sa Surigao Airport, Surigao City, Lunes, Abril 18.

Nasa ayos lamang ang panawagan niya, sabi ng 47-anyos na kandidatong pangulo dahil makulet si VP Leni Robredo sa pagsasabi na siya at ang ibang kandidato ay umatras sa kandidatura sa darating na eleksiyon sa Mayo 9, 2022.

“It’s an honest call. Since Day One, sila ang nagpakalat ng ‘Withdraw Isko.’ Kapag malaking tao ang nambu-bully, okay lang. Pag ang ordinaryong tao, nangatwiran, bastos o masama na,” sabi ni Yorme Isko.



Kinuwestiyon pa niya kung ano ang karapatan ni Robredo na paatrasin ang kalaban sa eleksyon.

“Ano ang karapatan mo? Dahil ikaw ay mataas na tao, at itong mga tao sa ibang kandidato, hindi ganun kalaki ang political alliances?” sabi ni Isko.

Elitista ang katulad ni Robredo at “parang ang may karapatan lang magsalita yong malalaking tao o may matataas na katungkulan. Pag ordinaryong tao parang wala kang karapatang magsabi ng totoo o mangatwiran,” sabi ni Yorme Isko.

Aniya pa, masakit magsalita ang mga mapagmataas na tao — na tulad ng grupo ni Robredo, “but, anyway, it’s not for me to demand. It’s just an opinion. Their opinion is as good as mine.”

Sa press conference noong Linggo, Abril 17, hinamon ni Yorme Isko si Robredo na magpakabayani at siya mismo ang umatras at magsakripisyo para sa bayan.



Bakit siya, at sina Senator Panfilo Lacson, Senator Manny Pacquiao, at dating Defense Secretary Norberto Gonzales at iba pang kandidato ang ipinananawagang suportahan ang kandidatura ni VP Leni.

“Now we’re calling, be a hero. Withdraw, Leni. Kasi whatever you’re doing is not effective against the Marcos. Withdraw, come and join us. Join us. That is what we’re saying,” sabi ni Yorme Isko.

Sa joint presscon, idiniin nina Isko, Lacson, at Gonzales na wala ni isa sa kanila ang aatras.

“Hinding-hindi kami magbibitiw sa kampanya. Ang bawat isa sa amin ay magpapatuloy sa aming mga sariling kandidatura upang maging karapat-dapat na pagpilian ng sambayanang Pilipino,” sabi ng alkakde ng Maynila.

Wala ni isa sa kanila paliwanag ni Yorme Isko na may galit sila kay Robredo o kay Marcos Jr.

“Hindi ito dahil galit kami kay Marcos o galit kami kay Leni. We are competitors among ourselves. But we try to compete in a very professional way nang hindi naman sinasaktan yung damdamin ng bawat isa,” sabi ni Yorme Isko. (BP)