Advertisers
SAGAD-SAGARAN na ang pagkadesperado ng mga kalaban ng leading congressional candidate ng District 5, Quezon City na si Ate Rose Lin, makaraang magpakalat na naman ito ng fake audio recording ng Ate ng Bayan.
Sinasabi sa fake audio recording na… ” Ang sabi ko sa ‘yo. Marami talagang patay gutom sa Novaliches. Panalo na tayo.”
Ayon sa kampo ni Ate Rose Lin, ang tahasang pagre-record ng pekeng audio para maglabas ng masasakit na salita laban sa residente ng Distrito 5 ay isang desperate move ng mga kalaban.
” Alam naman po nating lahat ang tototoo. Si Ate Rose Lin ay may mabuting pagkatao. May puso para sa tulad nyang laki sa hirap. Hindi katulad ng mga kalaban sa pulitika na halos lahat laki sa buhay marangya.
Ang pakanang ito ng mga kalaban ay patunay lang kung ano ang totoong tingin nila sa mamamayan, ” ayon sa pahayag ng kampo ng nangungunang kandidato sa District 5.
Lumalabas na sa huling survey ng independent group na AIMC tungkol sa pinapaborang kandidato sa Konggreso sa District 5, ay iniwan na ni Ate Rose Lin ang kanyang anim na mga kalaban.
Sa huling survey na may petsang April 5 ay nakuha ni Ate Rose Lin ang 52.62% at malayong pangalawa naman si PM Vargas na may 26.23%. Sumunod ay sina Annie Susano 10.27%, Rose Sanchez 3.91%, Manang Inday Esplana 3.35%, Antonio Ortega 2.28% at Jun M.Rustia o.57%. Samantalang nakapagrehistro naman ng 0.78% ang mga tumangging sumagot sa survey.
Sinabi pa ng kampo ni Ate Rose Lin na hindi malilinlang ng pekeng audio recirding ang mga tao dahil malayong-malayo ito sa boses ng nag-iisang ate ng Distrito 5.
Dinagdag pa ng kampo ni Ate Rose Lin na malayong-malayo sa katotohanan ang sinasabi sa fake audio dahil malaki ang puso ni Ate Rose para sa mga Novaleño. Ang mabilis at tuloy-tuloy na pag-angat ay pilit na hinahadlangan ng mga ganid sa kapangyarihan.
“Sa mga minamahal kong kababayan. Ako po ang inyong Ate Rose Lin, humihiling po sa inyo na huwag po tayong magpaloko at magpagamit sa mga taong pilit tayong pinapabagsak. Tulungan ninyo kaming wakasan ang maruming istilo ng laban. Bigyan natin ang distrito 5 ng panibagong mukha at pag-asang magiging makatarungan tayo sa lahat ng aspeto. Patuloy tayong magkaisa para sa isang malinis at patas na eleksyon. Maraming salamat po,” pahayag ni Ate Rose Lin.