Advertisers

Advertisers

Wala pang Omicron XE sa Pilipinas – DOH

0 138

Advertisers

SINABI ng isang mataas na opisyal ng Department of Health (DOH) na wala pang natutukoy na Omicron XE sa Pilipinas o yaong recombinant ng dalawang sub-lineages ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.

Ito ang tiniyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Martes, kasabay nang paniniguro na mahigpit ang isinasagawa nilang monitoring at pagbabantay para matukoy kung nakapasok na ang Omicron XE sa bansa.

“Sa ngayon wala pa naman tayong nade-detect na XE variant dito sa ating bansa,” ani Vergeire, sa panayam sa radyo.



“Itong XE variant naman ay mga tatlo o apat na bansa pa lang ang nakaka-detect ng ganitong klaseng variant,” aniya pa.

Una nang sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na ang Omicron XE ay mas nakakabahala kumpara sa iba pang Omicron sub-variants dahil sa transmissibility nito.

Gayunman, hindi naman aniya nangangahulugan ito na mas malala ang epekto nito o makakaapekto sab isa ng mga kasalukuyang bakuna na available sa ngayon. (Andi Garcia/Jonah Mallari)