Advertisers

Advertisers

Zambo masaker: 4 patay!

0 180

Advertisers

Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya nang pasukin at pagtatagain ng ‘di pa na kilalang salarin sa bahagi ng Purok 3, Brgy New Katipunan, Midsalip, Zamboanga del Sur Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga pinatay na sina Lolifer Zamora Udarbe, 33, (tatay); Julieta Arapon Aligo, 26 (nanay); Elna Mae Udarbe, 7; at Eljune Udarbe, 5 anyos na pawang residente ng nasabing lugar.

Sa report na inilabas ng Midsalip Police Station na pinamumunuan ni P/ Maj. Juvic D. Aballe, nadiskubre na wala ng buhay at karumal dumal na pinaslang ang 4 sa limang miyembro ng pamilya Ubarde sa loob nang kanilang tahanan nang dumating ang mga operatiba ng PNP.



Sa naging pahayag ni Aballe, isang nag ngangalang Mario Baliao ang nakapagbigay ng impormasyon sa pulisya upang ipaalam ang masalimuot na sinapit ng pamilya Ubarde na agad naman nirespondehan ng mga otoridad ang nasabing pangyayari.

Bumungad sa mga pulis ang mga gutay-gutay na katawan ng mga mag-kakaanak dahil sa halos maghiwalay na ang ibang bahagi ng katawan ng magkapated at ng kanilang nanay habang nakahiwalay naman ang ulo ng kanilang ama.

Sa ngayon, wala pang itinuturing suspek sa pagpaslang sa mga kaanak habang inaalam ng awtoridad kung may alitan sa pagitan ng salarin at ng biktima na humantong sa madugong insidente.