Advertisers
IPINAKITA ng mga boluntaryong kabataan naniniwala na si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang nararapat na ibotong pangulo sa sunod-sunod nitong pangangampanya nitong mga nakaraang Linggo.
Kahit may bagyo, nangampanya ang boluntaryong “Bus ni Isko” sa Dapitan, Zamboanga del Norte.
“Very chalkenging ito,… walang atrasan, kahit may bagyo man, tuloy ang laban ng gobyernong para sa tao at tuloy-tuloy lang ang caravan namin,” paglalarawan ni Ces Bayan, lider ng “Ama ni Isko,” sa Visayas-Mindanao. Ang “Bus ni Isko” ay nangampanya rin sa ginanap na rally sa Dapitan City.
Sa inikutang mga lugar, namigay ang “Bus ni Isko” ng mga t-shirt, apron, poster at iba pang gamit sa kampanya na hinikayat ang mga botante na sumama na sa kilusang “Switch to Isko.”
Sa Antipolo City, nitong Lunes, nagdaos ng panawagan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Youth for Isko-Metro Manila-Rizal Chapter at ang President Isko Movement-Isulong ang Kapakanan ng Mamamayang Pilipino (PRIMO-ISKO) sa harap ng Cogeo Market na kubrahin na ang P203 billion estate tax na utang ng pamilya Marcos.
Ayon kay PRIMO-ISKO president Nato Agbayani, malaki ang maitutulong na mapagaan ang hirap sa buhay ng mamamayang Pilipino kung makokolekta ang buwis sa naiwang ari-arian ng namatay na dating Pres. Ferdinand Marcos Sr.
“Dapat lang makalikom ng pera ang gobyerno,… hanggang ngayon kasi naghihirap ang mamamayang Pilipino dala ng COVID-19 pandemic, at tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina,” sabi ni Agbayani.
Aniya, isang milyong kabataan ang kayang pag-aralin sa loob ng apat na taon sa makokolektang buwis, “sapat upang makatapos sila sa high school at kolehiyo hanggang makahanap ng hanapbuhay at makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagbabayad din ng tamang buwis.” (BP)