Advertisers
LANAO DEL SUR – Patay nang manlaban sa awtoridad ang dating alkalde sa bayan ng Wao.
Kinilala ang nasawi na si William Comayog na kasalukuyan ding barangay chairman ng Inudaran Tagoloan II.
Base sa imbestigasyon, naghain ng arrest warrant ang National Bureau of Investigation laban kay Comayog bunsod ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act.
Nang pasukin ang tirahan ng suspek, pinaputukan ang mga awtoridad gamit ang isang M79 grenade launcher at M-16 rifle.
Dito na gumanti ang awtoridad na nagresulta ng pagkasawi ng suspek, habang sugatan ang isang miyembro ng operatiba.
Narekober naman sa tirahan ng suspek ang iba’t-ibang klaseng mga high-powered firearm at ammunition.
Si Comayog din ang sinasabing lider ng Gandawali group na nasa likod umano ng nangyaring pananambang sa pitong mga PDEA-BARMM agent noong October 2018.