Advertisers

Advertisers

NABABAHALA ANG KAMPO NI BBM

0 1,467

Advertisers

PAPALAPIT ng papalapit ang araw ng halalan at hindi na magkanda uga-ga ang mga politikong naghahangad na masungkit ang inaasam na pwesto. Nariyan ang kabi-kabilang pagdalaw sa mga nasasakupan at maging ang pambabato ng putik sa kalaba’y ginagawa upang papogi ang sarili. Hindi matigil ang ganitong mga kilos lalo’t malaki na ang puhunang inilabas na tila ‘di kumikilos ang takbo ng kandidatura. Nariyan na nakikipag-usap sa mga katunggali sa ngalan ng pagkakaisa, nagpa presscon upang sabihin ang layong pagkakaisa. Ngunit ang tanong para kanino at sino ang makikinabang sa pag-uusap ng pagkakaisa? Ang hangarin isinusulong ang pagkakaisa’y tila nag-iisahan para sa sariling pakinabang.

Subalit sa aga ng paglalahad ng nais, biglang humiwalay ang magkatambal na kasama sa usapan. At nagbangit ng sarili na layon na hindi napagpasyahan ng mga kasama sa lamesa na pagpapahayag, ang pababain ang nasa ikalawang pwesto sa halalan at magbigay daan sa mga kandidatong nasa likuran na may programa kuno sa bayan. Eh nabuko. Hoy bata, tahiran ang iyong mga kasama, umalis ka palang pabalik na ang iyan.

Di pa man tapos ang pangangalap ng mga manghahalal para sa halalan sa Mayo ’22, tila nagsasagip mukha na ang ilang kandidato upang hindi malakas ang kalabog sa pagbagsak sa Mayo. Mababasa sa kilos ng mga sumama sa presscon na hindi na kayang abutin ang laban sa pangpanguluhan at ang pagkakaisa kuno ang pinaka mabisa upang magkaroon ng himala sa halalan, pero para kanino? Ang masakit, lumalabas ang kulay ng ilang tumatakbo kung ano ang itsura ng pagkatao nito.



Kinakitaan ng kahinaan sa pagbasa ng sitwasyon at binubuntong ang kritisismo ng lamya ng kandidatura sa taong nagnanais na mapagkaisa ang lahat ng oposisyon. Tila nagkamali ang 1Sambayan na ihanay ito sa mga kinokonsidera bilang kandidato sa panguluhan. Litaw ang kulay ng bumasa ng kalatas ng mga kandidato na hindi ito sa panig ng oposisyon sa halip ito’y sugo ni Boy Pektus. Ang batikos na ginawa sa unang bahagi ng kampanya’y laban kay Boy Pektus na pawang papogi at panakip sa tunay na layon.

Sa kasalukuyan, sagip mukha na ang ginagawa ng mga kandidato na batid na ang kabiguan sa halalan ngunit hindi susuko sa laban. O ito’y patunay na may kumukumpas na ituloy ang laban upang malibak ang pinakamalapit na katungali ng among nangunguna kuno sa laban ng halalan. Hindi kailangang madungisan ang imahe ni Boy Pektus at ang batang Maynila ang naatasan sa pagsira sa lalong lumalakas na kalaban na siyang pinangangambahan ng among inaasahan. Mapapansin na wala itong pasubali na batikusin ang pangalawa kuno sa halalan ganong batid ng lahat na bumaligtad na ang regla ng laban, ang dating nasa ikalawa’y nasa unahan na.

Ngunit tila nagkamali ang bayarang kandidato sa pagbatikos sa abalang pangulo dahil lalong tumingkad ang kinang na nagpalakas sa posisyon nito bilang susunod na pangulo. Ang paglalahad ng nakasama sa presscon na nag-iba sa pahayag ng palalo ng Maynila ay tila sampal sa mukha na kinasusuyaan ng mga manghahalal. Ang pagkalas ng mga unang sumuporta dito’y tunay na mahika na masasabing ang pagkakamali’y maaaring ituwid lalo sa maagang panahon. At ito ang naganap sa partido na unang nagpahayag ng suporta ngunit sa kalauna’y bumitaw at pumanig sa kampo ng abalang pangulo. At ito rin ang ginawa ni Ping at Tito na hindi nila pahayag ang binanggit ni Isko?

Silipin ang ilang kaganapan na masakit sa mata. Nariyan na ang paglipat kuno ng maraming mga lokal na opisyal na nag-eendorso kay Boy Pektus at Inday Sapak bilang kandidato sa Mayo. Masarap sa pandinig ni Boy Pektus at Inday Sapak ang ibig ng mga opisyal ng LGU, ngunit nasaan ang pondong kailangan upang ibaba sa tao ng masiguro ang nais na boto. Walang ibang hinihingi kundi pondo, kapalit kuno ang pagtitiyak na mapasakanya ang botong ipinapangako. Walang pondo, walang boto, maging tao sa Balite ng Malacanan ay ayaw mag-ambag sa labang ito dahil batid ang kalibre ng kasama ni Inday Sapak na walang lalim. Sa puntong ito, sa papel at manifesto lang ang endorsement ng mga LGU officials para kay Boy Pektus. Batid ng mga punong opisyal ang lakas ng dating sa halalan ni Leni Robredo, at hindi nila ito mapasubalian.

Nariyan ang isang tugtog ng orchestra, ang OCTA Research survey na nagsasabi na kung ngayon gaganapin ang halalan, tiyak na si Boy Pektus ang panalo. Ipinapakita nito na malayong malayo sa pangalawang posisyon ang abalang pangulo at ‘di na kayang abutin ang kalamangan ni Boy Pektus at Inday Sapak. Ayon sa OCTA na siyentipiko ang kanilang pagsasagawa sa survey na random ang gamit sa pagpili ng mga nakapanayam. Maganda pakingan subalit nabangit ng isa sa mga tauhan nito na hindi ito lumalabas sa apat na sulok ng opisina. Ang kaganapan sa baba’y inaasa sa mga taga pagtanong na kung saan itinapon upang mangalap ng tatanungin..



Maaaring randam ang tinatanong subalit saan naman na ideploy ang mga tagapag tanong? Sa totoo pa rin, wala itong kaalaman sa kaganapan sa mga rally na nilalahukan ng mga partido’t pulitika lalo ang kalimbahin kaya’t wala masabi sa lakas ng dating ng kampanya ng grupo ng abalang pangulo.

Sa puntong ito, nais ipakita na sadyang nababahala ang grupo ni Marcos sa lakas ng dating ng kandidatura ni Leni Robredo lalo sa huling mga linggo ng kampanya. Tila tsunami sa dami ng mga tao’t grupo ang nagbabaliktaran patungo sa hanay ni Leni. Ang paglalabas ng iba’t ibang palakas loob na balita’t impormasyon, survey ang hakbang ng grupo ni Boy Pektos upang mabawasan ang kaba sa taong minsan ng gumapi sa pangarap nito. Abangan ang maraming press releases, kalakip ang maraming trolls sa social media na maglalabas ng maseselang impormasyon upang sirain ang momentum ni Leni Robredo.

Hindi nila matanggap na ganito kalakas ang dating ng walang makinaryang kandidato at ngayo’y tampulan ng batikos ng mga kandidatong nabayaran para kay Dayunyor. Malinaw sa kanila na ang tao sa laylayan ang nagdadala ng kandidatura ng abalang pangulo at ito ang pinangangambahan ni Boy Pektus.

Sa kabilang banda, asahan ang mga pambrabraso sa mga hihingi ng pondo para sa kandidatura ni BP na magagamit o gagamitin upang masiguro na hindi makukuha ang mga LGU officials na nagpahayag ng suporta kay Boy Pektus at Inday Sapak. Sa regla ng takbo ng kaganapan sa baba, tila nahihirapan ito sa pambrabraso dahil kita na sa apat na sulok ng bansa kung gaano kalakas ang takbo ng kandidatura ng abalang pangulo. Hindi tataya ang mga negosyante o tycoon sa ‘di tiyak ang panalo sa halalan. Kung may magbigay man ng pondo para sa halalan, hindi ito kasinlaki tulad ng nais nito.

Ang panalo nito’y kathang isip lang ngunit ang kaba’y dama ng puso na kilos ng katawan. Wala sa tono ang tugtog ng orchestra na maririnig sa kampo ni Boy Pektos, kaya’t ganun na lang ang takot dahil sa nakaraang ‘di matanggap na pagkatalo . Ang lahat ng mga kaganapa’y hudyat na nababahala si Boy Pektus na muling mangyari ang pagkatalo sa kamay ng tao sa laylayan at kay Leni Robredo…

Maraming Salamat po!!!