Advertisers

Advertisers

Yaokasin-Chua, BBM-Sara, Tingog sa Tacloban City – survey

0 562

Advertisers

PIPILIIN ng mga botante sa Lungsod ng Tacloban ang mga sumusunod na kandidato kung gaganapin ang halalan ngayon, ayon isinagawa ng HKPH-Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong: Jerry “Sambo” Yaokasin (Mayor), Edwin Chua (Vice Mayor), Bongbong Marcos (President), Sara Duterte (Vice President), at Tingog (Partylist).

Nakatanggap ng 68 porsiyento ng boto si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., habang ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ay tumanggap ng 60 porsiyentong suporta.

Ayon sa “Pulso ng Bayan: Tacloban City 2022” survey, ang tandem nina incumbent Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin at dating Vice Mayor Edwin Chua ang “preferred choice” ng mga botante para sa Mayor at Vice Mayor ng Tacloban City. Batay sa mga resulta ng survey, 90% ng mga botante sa lungsod ay nagnanais ng pagbabago.



Nakatanggap si Vice Mayor Yaokasin ng 55% ng boto kumpara sa 43% ni Mayor Alfred Romualdez at inilampaso ni Atty. Edwin Chua na may score na 75% ang kanyang kalaban na si Raymund Romualdez (18%) na baguhan at walang karanasan sa serbisyo publiko.

Bagama’t magkamag-anak sina Alfred at Raymund Romualdez ni Bongbong Marcos, ang kasalukuyang Alkalde at tumatakbong Bise Alkalde ng Tacloban City, wala itong epekto sa lokal na halalan dahil gusto ng mga botante na palitan si Alfred Romualdez at mas gusto ang Yaokasin-Chua tandem. Matatandaan na sa huling pagbisita ni BBM-Sara sa kanilang grand rally sa nasabing lungsod, hindi inindorso o itinaas ang kamay ng mag-amang Romualdez.

Samantalang, buo naman ang suporta ng Taclobanons sa Tingog partylist na ang 1st nominee ay si Yedda Romualdez at lumitaw din sa survey ang 68% performance rating ni Cong. Martin Romualdez.

Ang survey ay isinagawa nang malaya at walang komisyon mula Abril 3-8, 2022, nag-survey sa 1,200 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-), at gumamit ng random sampling sa lungsod ng Tacloban. ###

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">