Advertisers

Advertisers

P250M pekeng branded na damit, pabango galing Tsina nakumpiska ng BOC sa Las Piñas

0 171

Advertisers

MAHIGIT sa P200 milyon halaga ng mga pekeng branded na damit at pabango ang nakumpiska sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse sa Las Piñas City kagabi.

Ayon sa BOC, isinagawa nila ang naturang pagsalakay matapos makatanggap ng impormasyon na ginagawang imbakan ng mga nasabing kontrabando ang isang bodega na matatagpuan sa Perpetual Village 2, Barangay Pulang Lupa Dos, sa Las Piñas.

Nabatid kay Alvin Enciso, Hepe ng Intelligence and Investigation Service ng BOC, tinatayang nasa P250 milyon halaga ng libo-libong mga pekeng branded na damit at mga pabango ang kanilang nadiskubre na umano’y nagmula sa bansang China.



Aniya, malaki ang posibilidad na nagmumula sa nasabing warehouse ang mga pekeng damit at mga pabango na ibinebenta sa Metro Manila gayundin sa labas ng NCR.

Dagdag pa ng opisyal, ang mga nasabing produkto ay inihahalo sa mga orihinal na produkto na nasa loob ng bodega.

Hindi naman nadatnan ng mga tauhan ng BOC at NBI ang may-ari ng mga pekeng produkto ng salakayin ang naturang warehouse.