Advertisers

Advertisers

Buy-bust nauwi sa shootout: Pulis at tulak bulagta

0 257

Advertisers

Patay ang isang pulis nang mabaril ng drug suspect habang isinasagawa ang buy-bust operation sa bayan ng Tanza, Cavite, Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawing pulis na si P/Cpl. John Paul Digma, nakatalaga sa Tanza Police Intelligence Unit.

Napatay rin ang suspek na target ng buy-bust na nakilalang si Jay Alang Ilang, nasa hustong gulang, kilalang tulak sa nasabing lugar.



Ayon kina P/Staff Sgt. Francis Mark Cortez at P/Staff Sgt. Emerson De Ocampo ng Tanza Police, isang buy-bust operation ang ikinasa ng Intelligence operatives 9:50 ng umaga sa Brgy. Biga, Tanza.

Habang isinasagawa ang buy-bust, nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kung kaya’t agad na nagtatakbo habang pinapaputukan nito ang mga pulis.

Minalas si Digma na masapol ng bala sa dibdib na tumagos sa kanyang puso sanhi ng kanyang agarang ikinasawi.

Gumanti naman ng putok ang mga kasamahan ni Digma kaya bumulagta at napatay sa engkuwentro ang suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">