Advertisers
PAPALO sa mahigit 40,000 na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa May 2022 national and local elections.
Pahayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos, handang-handa na sila sa halalan at kasalukuyang nasa phase na sila ng “monitoring” sa ground.
Binigyang-diin ni PNP chief, kasado na rin ang latag ng seguridad sa lahat ng rehiyon sa bansa at nakaalerto na ang lahat ng mga pulis na mag-du-duty.
Dagdag pa ni Carlos na ipakakalat din nila ang kanilang mga admin personnel ngayong linggo at susunod na linggo para tumulong sa mga pulis na una nang na-deploy sa kanilang mga areas of responsibility (AOR).
Samantala, nakabantay naman ang kanilang Regional Special Operation Task Group sa mga lugar na posibleng magkaroon ng intense political rivalry. (Mark Obleada)