Advertisers
POSIBLENG pumalo sa 4.3% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, mas mataas ito sa target na dalawa hanggang apat na porsyento lamang.
Pero sa darating na 2023, inaasahang bababa na ang inflation rate sa 3.6%.
Ang paiba-ibang datos ay dulot umano ng pagsisikap ng bansa na makaahon sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Naniniwala ang economic managers na ang pagbabakuna pa rin at pagsunod sa minimum health protocol ang pangunahing depensa ng bansa laban sa panibagong pananamlay ng ating ekonomiya.