Advertisers
Kinuwestyon ni Mayoralty bet Amado ‘Daddy A’ Bagatsing ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa isyu ng kanilang pinansyal.
Ayon kay Bagatsing, base sa kanilang nakuhang dokumento mula mismo sa website ng Dept. of Budget and Management (DBM), na ang pera ng Pamahalaang Lungsod nasa P44B para sa taong 2022 na galing umano sa mga ibinentang ng assets ng Maynila.
Kabilang sa mga ibinenta ang Quiricada fire station, City College of Manila sa Escolta, Divisoria mall at iba pa.
Kinalampag ni Bagatsing ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para malaman ng publiko kung ano-ano ang mga pag-aari ng mga Manilenyo na naibenta na dahil hanggang sa kasalukuyan bulag ang mga ito dahil hindi naging transaparent ang kasalukuyang administrasyon.
Karamihan pa sa mga pinagbili sa panahon pa ng pandemya.
Sinabi pa ni Daddy A, NA hindi maaring divisoria at isang building sa escolta lamang ang kabuuan ng P44B dahil masyado aniyang malaki ito at ano ang breakdown nito. Kung naging tama ba ang presyo ng bentahan o dehado ang Pamahalaan ng Maynila.
Karapatan malaman ng bawat Manilenyo kung paano tatakbo ang lungsod.
Dagdag pa ni Bagatsing, mayroon naman palang pera ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila bakit kailangan pang mangutang ng bilyong bilyong piso at gamitin sa pagpapatayo ng mga gusali at pagsasaayos ng Manila zoo.
Ayon pa kay Bagatsing na di naging tama ang pamamahalan kaya naging bagsak ang presyo ng naging bilihan sa Divisoria mall.
Aniya, masyadong powerful ang mga grupong nakapuwesto sa kasalukuyang administrasyon dahil kontrolado nila ang konseho at kung ano ang gusto nilang gawin dominante nilang lahat. Kung ano ang hilingin ng alkalde iyon ang kanilang susundin. Kahit walang public hearing nagagawa ng nasabing grupo.
Mariing sinabi ni Bagatsing na hindi naman bangkarote ang lungsod ng Maynila, nagtataka ito kung bakit kailangan magbenta lalo na ng mga patrimonial property.
“Si patty at edi kasali na nakikinabang pero ang sambayang Manilenyo ‘di kasama sa sindikato ng malaking parte ng konseho,” wika ni Daddy A.
Hiling ni Amado sa mga Manilenyo na 2 linggo na lang sana suriin mabuti kung sino ang nararapat nilang ibotong bagong Mayor ng Maynila.