Advertisers

Advertisers

Panibagong oil price hike ipapatupad ngayong araw

0 135

Advertisers

MAGPAPATUPAD ng panibagong bigtime oil price hike ang ilang kompanya ng langis sa bansa ngayong araw.

Ipapatupad ng kompanyang Shell at Seaoil mula alas-6 ng umaga ngayong Martes ang tatlong pisong taas-presyo sa gasolina habang apat na piso at sampung sentimos naman sa diesel at tatlong piso at 50 centavos sa kerosene.

Ipatutupad din ng kompanyang Cleanfuel ng kaparehong oil price hike maliban sa kerosene na epektibo alas-8 ng umaga.



Samantala, inihayag ng Department of Energy (DOE) na ito ay bunsod pa rin ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng Russia-Ukraine.