Advertisers

Advertisers

Titser bobombahin 33 iskul sa MM, kulong!

0 351

Advertisers

Arestado ang nagpapanggap na 26 anyos na private teacher na isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kaniyang diumano’y extortion activities at nagbabanta na 33 eskwelahan sa walong lungsod sa Metro Manila, ang kanyang pasasabugin.

Kinilala ang suspek na si Jake Castro, guro sa isang pribadong eskwelahan sa Doña Manuela Subdivision, sa Barangay Pamplona, Las Piñas.

Sa ulat, naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sa isang entrapment operation sa Las Piñas City, noong Abril 22 (Biyernes).



Sa ulat mula kay CIDG-National Capital Region (NCR) field unit chief, P/Colonel Randy Glenn Silvio, 5:50 ng hapon nang maaresto si Castro sa Brgy. Zapote matapos kumagat sa inilatag na entrapment.

Gamit umano ng suspek ang email address newpeoplesarmy1969@gmail.com, na nagpakilalang siya ay kasapi ng special tactics faction ng NPA at nangingikil sa mga paaralan. Banta niya ay magpapasabog ng bomba at aatake at walang habas na mamamaril kung hindi magbibigay.

Siyam umanong eskwelahan sa Parañaque, pito sa QC, at iba pang paaralan sa Taguig, Pasay, Las Piñas, Muntinlupa, Makati, Pasig at Mandaluyong ang kaniyang binibiktima.

Nagawang magsuplong sa CIDG ng isang eskwelahan sa Brgy. Bago Bantay, sa QC na hinihingan sila ng P2-milyon ng suspek. Ikinasa ang entrapment at nakumbinsi ang suspek na ibaba sa P500,00.

Idineliber ng operatiba na nangpanggap na delivery rider ang pera at nadakip ang suspek sa kaniyang bahay sa Zapote.



Narekober pa sa suspek ang kalibre 38 baril, bukod sa marked mo­ney, 5 bala ng shotgun, cellphone at mga gadget sa motorsiklo.

Nahaharap na sa reklamong robbery, resisting arrest, illegal possession of a firearm and ammunition, paglabag sa election gun ban at Presidential Decree 1727 (Anti-Bomb Joke Law).
Masusi pang inaa­lam ng CIDG kung may koneksyon o rebeldeng komunista ang suspek.