Advertisers

Advertisers

YORME ISKO, GAGAWING MODELONG ISLA ANG GUIMARAS UPANG MAGING SAPAT SA PAGKAIN ANG PAMILYANG PILIPINO

0 177

Advertisers

MAARING maduplika at modelo ang isla ng Guimaras na mapag-aanihan ng sapat na pagkain sa bansa.

Ito ang naging paksa ng pag-uusap nina Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Gov. Samuel Gumarin sa kampanya ng mga kandidato ng Aksyon Demokratiko nitong Miyerkoles, Abril 27 sa lalawigang tanyag sa mundo sa produktong napakatamis na manggang Guimaras.

“Magandang maging modelo ang Guimaras sa food sufficiency. Isa itong magandang one food basket at tourism zone,” kuwento ni Yorme Isko, kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko sa panayam ng mga reporter.



Hindi lang manggang may export quality ang ipino-prodyus ng Guimaras, sariling likha rin ang koryenteng ginagamit sa bahay at komersiyo.

Dahil sa manggang super sarap sa tamis, tinatawag na “Mango Capital of the Philippines,” na kilala rin sa mayamang ani ng bunga at buto ng kasoy.

“May biro-biro nga dito na ‘yung foreigner, na pati raw balat ng mangga Guimaras ay kinakain, kasi daw matamis,” pagbibiro ng 47-anyos na kandidatong presidente.

Kung siya ang mananalong pangulo, gagawin niyang magandang modelo ang Guimaras ng 7,100 ng bansa para maging sapat sa pagkain ang mamamayang Pilipino.

“If Guimaras can do it, I think it can be duplicated in other islands,” ani Isko.



Napansin din niya ang komportable at masayang pamumuhay sa isla – na may sapat na pagkain, matataas na uring produktong ani sa mga bukid, kakayahang masustinehan ang suplay ng koryente, at panatag na pamumuhay.

Pasisiglahin ni Yorme Isko, bukod sa agrikultura at pangisdaan, ang turismo sa bansa – at pipiliin niyang gayahin ang kaunlarang tinatamasa ng Guimaras kung manalong pangulo sa Mayo 9, 2022. (BP)