Advertisers

Advertisers

Bagong Dr. Albert Elementary School, ipinagmalaki ni Isko

0 371

Advertisers

IPINAGMALAKI ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno ang bago, modernong paaralan na maraming green at open spaces para sa kasalukuyang nagaganap na pandemya at maihahalintulad sa pribadong paaralan.

Ang tinutukoy ni Moreno ay walang iba kundi ang bagong Dr. Albert Elementary School (DAES) sa Sampaloc na malapit ng matapos at dinalaw nila nitong Martes kasama sina city engineer Armand Andres, city architect Pepito Balmoris at city electrician Randy Sadac.

Ayon kay Moreno, ang nasabing paaralan ay isa lamang sa apat na paaralan muling itinayo ng pamahalaang lungsod para sa inaasahang paglaki ng populasyon at may disenyong naaayon sa makabagong panahon.



“Gusto naming ma-achieve ang world ratio… ‘yung old buildings against sa paglago ng populasyon, pagsikip ng classroom,” sabi ni Moreno at idinagdag din na kayang mag-accomodate ng DAES ng 15,000 estudyante kapag natapos na.

Ipinaliwanag ni Moreno na isa sa mga hamon na hinaharap ng highly-urbanized cities tulad ng Maynila ay ang kawalan ng espasyo, kaya naman siya at ang kanyang team ay naisip na gamitin ang parehong espasyo pero pataa.

Sa sukat na halos dalawang ektarya, sinabi ni Moreno na ang ten-storey, fully-airconditioned school ay mayroon ding amphitheaters, gym na kasama sa gusali pati na rin ang mga luntiang espasyo at tanawin.

Ang iba pang paaralan na undergoing construction ay ang Manila Science High School, R. Almario Elementary School at R. Magsaysay High School.

Sinabi ni Moreno na sa halip na concrete, ang nasabing eskwelahan ay gagamit ng mga railings bilang enclosures upang siguruhin ang pasok ng sariwang hangin. Sinabi pa ni Moreno na ang interes ng mga batang gagamit ng paaralan ang nasa isip niya.



Bilang produkto rin ng pampublikong paaralan, sinabi Moreno na ang nasabing bagong eskwelahan ay magkakaroon ng kapaligiran na akmang-akma sa pagkatuto.

Binigyang kredito ni Moreno sina Vice Mayor Honey Lacuna, Congressman Yul Servo, Congressman Edward Maceda, Andres, Sadac, Balmoris, division of city schools superintendent Magdalena Lim at ang lahat ng city councilors sa naging tulong nito at suporta na nagbigay daan para sa pagtatayo ng DAES.

“Maswerte ang mga anak ko nakapag-aaral sa pribado. Gusto ko ipadama sa anak Ninyo ang natitikman ng mga anak ko— maginhawa, maaliwalas at may sapat na pasilidad upang pinuhin ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan,” sabi ni Moreno

Ayon kay Andres ang nasabing proyekto na may sukat na 1.5 hectares, ay gagawing 10 palapag ang dalawang palapag at may 234 fully-airconditioned classrooms, 16 offices at facilities tulad ng modern library, canteen, auditorium at seven stairs node, open field, roof deck na convertible para sa outdoor exercise area, gymnasium at ten elevator units na may total capacity na 240 katao lahat.

Sinabi ni Moreno na dahil produkto siya ng public school ay alam niya ang problema sa loob at labas ng public schools. Kaya naman nais niyang maranasan ng estudyante sa public schools kung ano ang nararamdaman ng mga estudyante sa private school. (ANDI GARCIA)