Advertisers

Advertisers

Duterte ipinatitigil na ang operasyon ng e-sabong

0 282

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpapahinto ng e-sabong epektibo nitong Martes, Mayo 3.

Ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Paliwanag ng Pangulo, ang tanging dahilan kaya ayaw niya ipatigil sana ang e-sabong ay dahil sa laki ng kita na ipinapasok nito sa gobyerno subalit taliwas na umano ito sa ating “values” o magandang kaugalian.



Ayon sa isinagawang survey ng DILG, marami ang nalulong sa talpak dahilan upang masira ang trabaho at pamilya. Matindi umano ang impact nito sa tao dahil halos 24-oras gising ang sabungero at hindi na natutulog.

“The recommendation of Secretary Año is do away with e-sabong. He cited the validation report coming from all sources. It’s his recommendation and I agree with it. It is good. So e-sabong will end by tonight. Bukas, lalabas ito bukas,” ani Duterte.

Dagdag pa dito ang kaso ng pagkawala ng nasa 30 sabungero na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba. (Jonah Mallari/Vanz Fernandez)