Advertisers

Advertisers

Kiko ‘manok’ ni Angel Locsin sa pagka-bise presidente

0 332

Advertisers

MATAPOS magpahayag ng suporta kay Vice President Leni Robredo, opisyal na inihayag ng aktres na si Angel Locsin na si Senador Kiko Pangilinan ang kanyang manok sa pagka-bise presidente.

Ginawa ni Locsin ang pag-endorso kay Pangilinan sa kanyang talumpati sa grand rally ng Leni-Kiko tandem sa Dasmariñas, Cavite na dinaluhan ng mahigit 100,000 supporter.

“Sino’ng ating bise presidente?” tanong ni Angel sa mga dumalo, na sumagot naman ng “Kiko Pangilinan!” “Magdilang anghel po sana kayong lahat,” tugon naman ni Angel, na itinaas din ang kamay ni Pangilinan bilang pagpapatibay ng kanyang suporta.



Nagpasalamat naman si Pangilinan kay Locsin sa kanyang pagsuporta, at sinabi pang “nawa’y magdilang anghel ka at pati ang mga mahal nating kababayang kabitenyo dito sa Dasmariñas, Cavite.”

Maliban kay Locsin, nagpahayag naman ng suporta sa Baguio grand rally ang beteranang aktres na si Angel Aquino sa kandidatura ni Pangilinan bilang bise presidente.

Ilan lang sila sa mga artistang nagpahayag ng suporta sa tambalang Leni-Kiko at nagbabahay-bahay para makahikayat pa ng mas maraming botante para sa tambalan.

Kabilang dito sina Nadine Lustre, Mylene Dizon, Melai Cantiveros, K Brosas, Janine Gutierrez, Maris Racal, Jake Ejercito at iba pa.

Nagpahayag na rin ng suporta kay Pangilinan ang iba’t ibang grupo mula sa hanay ng manggagawa, magsasaka, engineers, abogado at pati mga alagad ng simbahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">