Advertisers

Advertisers

Sandovals ng Malabon tinambakan mga kalaban

Patok na Mayor, Cong – survey

0 709

Advertisers

ISANG independent at non-commissioned survey sa Malabon ang isinagawa ng HKPK Public Opinion and Research Center (HKPKPORC) na bahagi ng Asia Research Center, na nagsasabing malaki ang lamang ni dating Malabon Congressman Ricky Sandoval at dating Vice Mayor Jeannie Sandoval laban sa kanilang mga katunggali sa posisyong Congressman at Mayor sa nasabing lungsod ngayong eleksyon sa Mayo 9.

Ayon sa HKPKPORC, si Ricky Sandoval ay nakakuha ng 68% kumpara sa 30% ni Jaye Noel sa kanilang pagsusuring isinagawa mula April 24 hanggang 28, 2022.

Samantala, 57% ang pumili kay Jeannie Sandoval bilang susunod na Mayor laban kay Enzo Oreta na may 41%.
Tinanong ang 1,200 respondents na rehistradong botante ng Malabon ng tanong na: Kung ngayon gagawin ang halalan, sino ang iboboto mong Congressman/Mayor?
816 respondents ang nagsabing si Ricky Sandoval ang kanilang iboboto gayon 360 ang gusto ay si Lacson ang kanilang susunod na maging Kinatawan sa Kongreso.



Sa pwesto ng Mayor, 684 respondents ang pumili kay Jeannie Sandoval na malayo sa 492 na nagsabing si Oreta ang kanilang iboboto.

Ayon pa sa HKPKPORC, lamang sa dahilan ng mga respondents kung bakit nila iboboto ang kandidato ay una, marami itong nagawang proyekto at batas na kapakipakinabang, pangalawa, madaling lapitan at pangatlo, dahil sa mga plataporma at serbisyong direkta na susolusyon sa kanilang hirap at suliranin.

Ang survey ay may margin of error na +/-3%. May 2% na lamang ang nagsabing undecided sila o di pa alam na kung sino ang iboboto sa pagtataya ng HKPKPORC.