Advertisers

Advertisers

Batangas VM na kinasuhan ng pangmomolestya may ‘rape case!’

0 566

Advertisers

DATI nang may kasong rape si Mataas na Kahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Manalo Ilagan na kinasuhan naman kamakailan dahil sa pananakot at pangmomolestiya sa isang masahista sa nasabing bayan.

Ayon sa impormasyon na inilabas ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang kasong may kinalaman hinggil sa pang-aabuso sa kababaihan ay hindi na iba kay vice-mayor dahil kinasuhan na ito ng panggagahasa sa isang 19-taong gulang na baba sa isang pension house sa Ormoc City noong taong 2013.

Gayunman, pinawalang sala rin ito ito ni Executive Judge James Clinton Nuevo ng Regional Trial Court Branch 12.



Sinabi ng VACC na bagaman acquitted ng hukuman sa kasong rape, mahalagang impormasyon pa rin ito hinggil naman sa kasong act of lasciviousness at grave threat na isinampa ng isang masahista sa suspect.

Ang 33-taong gulang na biktima ay pormal na reklamo sa Department of Justice (DoJ), sa tulong na rin ng VACC at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Isinampa ang kaso nitong nakalipas na Martes, April 26, sa National Prosecution Service (NPS) ng DOJ kung saan ay ipinadala na rin ang kopya ng sumbong sa Office of the Provincial Prosecutor ng Batangas.

Sa sinumpaang salaysay ng biktima kay Police Senior Master Sergeant (PSMS) Carolina DT Santos ng Women and Children Protection Section ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office (PRO) 4-a sa Camp Vicente Lim, sinabi ng 33-taong gulang na biktima unang naganap ang pang-aabuso sa kanya noon pang June 2021 sa mismong silid ng bise-alkalde sa sariling Santol Farm, ng nasabing bayan.

Sa pamamagitan ng kaibigang sina Lot at Jojo ay pinapunta siya nito sa farm ni Vice-Mayor para serbisyuhan ng isang masahe. Gayun na lang ang gulat ng biktima dahil pagpasok nila sa silid ng suspect ay kaagad nitong isinara ang pinto saka pilit na nilamas ang kanyang dibdib.



Sinabi sa salaysay ng biktima na sa labis ng takot at lakas ng puwersa ng suspect, wala siyang nagawa nang paghahalikan nito ang kanyang mga dibdib habang nagma-masterbate.

“Nagulat po ako, sabay hawak niya sa aking dibdib at tinutulak ako papunta sa kama hanggang ako po ay mapahinga. Diniinan ako ng isang braso sa leeg at tinaas niya ang t-shirt at bra ko po sabay pilit na hinahalikan ako at nilamas niya ng mahigpit ang aking dibdib at nang ako nagpumiglas ay hinatak niya ang kamay ko at pinapahawak ang ari niya,” sabi pa niya.

Nagpupumiglas umano siya, ngunit: “Binalaan niya ako na ‘wag ng manlaban at alam ko na daw ang kakayahan niya na kaya niya akong burahin at sirain ang buhay.”

Buwan ng Enero ng taong kasalukuyan ay muli siyang ipinatawag nito para muling magpamasahe. Sa labis na takot, hindi agad nakapagreklamo ang biktima hanggang magpasya na magpatulong na sa pulisya dahil sa posibleng panganib na kaharapin nito laban sa suspect.

Wala pang sagot hinggil dito ang suspect.