Advertisers
NAIS ng mahigit 30 grupo ng commuter at transport workers na ihatid sina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa Malacañang.
Kabilang sa mga ito ang mga mananakay pati na mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan gaya ng jeepney, tricycle, bus at iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon.
Sa isang pahayag, sinabi nila na ang tambalang Leni-Kiko ang magbibigay sa mga Pilipino ng makataong sistema ng transportasyon.
Sa sistemang ito ng Leni-Kiko tandem, sinabi nila na hindi maiiwasan ang 95 porsiyento ng ordinaryong Pilipino na walang pribadong sasakyan.
Tiwala rin sila na sa pamumuno nina Leni at Kiko, mayroong boses ang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon at commuters sa mga desisyon at tungo sa biyahe para sa pagbabago.
“Ito ang totoong unity: pagkakaisa na hindi pulitiko ang sentro kundi ordinaryong mga mamamayan,” saad pa ng kanilang pahayag.
Kabilang sa mga grupong sumusuporta sa Leni-Kiko tandem ang Piston, Commuters for Leni & Kiko, Sentro, Move Metro Manila, Life Cycles, Akbayan Youth, Komyut, BIODMPC, Propel, National Confederation of Transportworkers’ Union at AltMobility PH.