Advertisers

Advertisers

7 P.M. voting deadline maaari pang ma-extend – Comelec

0 244

Advertisers

MULING sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na extendable pa ang 7 p.m. deadline ng pagboto sa Araw ng Halalan, May 9.

Ayon kay Comelec Spokesperson James B. Jimenez na ang botohan ay mula 6 a.m. hanggang 7 p.m. pero mag-e-extend daw sila basta may nakapila.

Dagdag pa ni Jimenez na ang mga botante na nakapila para bumoto sa may 30 metro mula sa polling precincts ay papayagang bumoto pa rin.



Nauna rito, sinabi ng Comelec na hindi kailangang magdala ng vaccination cards, face shields, at RT-PCR test results ang mga botante para makaboto sila.

Nabanggit ng poll body na kahit na ang mga hindi nabakunahang botante ay papayagang bumoto sa Mayo 9, na idiniin na ang karapatang bumoto ay isang karapatan sa konstitusyon.