Advertisers
NAGKAISA ang mga vendors (mga nagtitinda) sa lungsod ng Maynila para suportahan ang kandidatura ni Amado Bagatsing. Ipinahayag ng United Vendors Alliance of Manila, sa pangunguna ng pangkalahatang pangulo nito na si Joel Miralpes, ang kanilang pagsuporta kay Bagatsing sa isang pagpupulong.
Ayon sa mga pangulo ng iba’t ibang samahan ng vendors na bumubuo ng alyansa, si Bagatsing ay may puso para sa mga maliliit na tindera at mabigyan ng mas maayos na pwesto ang mga sidewalk vendors sa lungsod. “Sa mga kumakandidato sa pagka-Mayor ng Maynila, maliwanag na si Mayor Amado ang tunay na kumakatawan at magtatanggol sa interes naming mga vendors” pagpapahayag ni Miralpes.
Sakaling manalo sa Mayo 9, unang pagsisikapan ni Bagatsing ang mabawi ang mga naibentang ari-arian ng lungsod. “Isa ang tiyak na commitment natin sa mga vendors, oras na tayo ay pinalad, lahat ng binentang palengke ng kasaluyang lokal na pamunuan sa Maynila, babawiin natin ito at ipapaayos upang mapaglagyan ng mga vedors upang makapaghanapbuhay sila,” dagdag pa ni Bagatsing
Ayon pa din kay Miralpes, nasaksihan ng mga vendors ang pangunahing programang isinusulong ni Bagatsing, ang KABAKA o Kalusugan, Bahay at Kabuhayan na kung saan nagbibigay ito ng libreng konsultasyon medical, libreng laboratory test at maging ang pana-panahong libreng gamot. “Ang mga vendors sa ikalimang distrito, sobra ang pasasalamat namin sa pamumuno ng mga Bagatsing sa 5th district, ramdam namin ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan nila” pahayag pa Miralpes
Ilan sa mga dumalo sa pagtitipon ay ang mga tindera mula sa Divisoria, Quiapo, Paco, Blumentritt, San Andres, Sta Mesa, Sta Cruz, Trabaho at iba pa. na nagpahayag na titiyakin nila ang pagboto ng mga vendors at kaanak nito para kay Mayor Bagatsing ngayong halalan.