Advertisers

Advertisers

DAPAT SI ISKO

0 291

Advertisers

IPINANGAKO ni Aksyon Demokratiko presidential bet Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na kahit pula, dilaw o o ano pang kulay, basta magaling, may integridad at kilala ang husay, isasama niya sa kanyang gobyerno sa interbyu sa kanya ng media nitong huwebes, May 5 sa Tacloban City.

Sinabi ni Yorme Isko, na kung kayo ay pagod na sa mga away o banggaan ng pula at dilaw/yellow pink ay available siya (Isko)na walang titingnan kulay politika.

Totoo, hindi ganap na mawawasakan ang korapsyon pero ang pagtiyak ni Yorme Isko: kahit kasama, kahit kaibigan kung masangkot sa katiwalian, “wala silang lugar sa ating gobyerno!”



Interes ng pamilyang Pilipino ang magiging tuntunin ng kanyang foreign policy at hindi, aniya siya papayag na kontrolin ng dayuhan ang pamamalakad sa hustisya ng bansa.

Kabuhayan, kapayapaan, kaunlaran ang mangyayari sa bansa kung sakali siya ang mahalal o mananalong pangulo sa Mayo 9.

“Kung sa karanasan, kakayahan at talino ay nasubukan na po nyo ako,” sabi ni Yorme Isko.

Ani Isko, wag na nating pakawalan ang pagkakataong ito sa Lunes.

Maiba naman: Isko Moreno po sa pagka-pangulo! (BP)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">