‘Pag may pagkakataon kayo ngayong Mothers’ Day, kiss and hug your mom and say thank you” – Isko – Isko
Advertisers
NANAWAGAN si Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat na mayroon pang mga nanay na yakapin at halikan ang mga ito at ipadama ang kanilang pagmamahal at utang na loob sa mga ito.
Sa kanyang advanced Mothers’ Day greeting, sinabi ni sa mga may buhay pang nanay na napakaswerte nila hindi katulad niya na ‘ulilang lubos’ o wala ng mga magulang.
Ipinagmalaki ni Moreno kung paano siya pinalaki ng kanyang ina sa pamamagitan ng paglalabada at kahit sa squatters sila nakatira ay ginabayan siya at hinubog ng kanyang ina sa kung ano siya ngayon.
Nanawagan din si Moreno sa lahat ng mga nanay na huwag na huwag isusuko ang buhay ng kanilang mga anak.
“Huwag kayong susuko ha, mga nanay… ang nanay ko, nag-kasambahay. Kahit anong hirap, labada dito, labada doon, hindi siya sumuko. Ako, utang na loob ko ‘yan sa nanay ko at sa tatay ko at sa Panginoong Diyos at taumbayan,” ayon kay Moreno.
Idinagdag pa niya na : “Nagsikap nang husto ang nanay ko at nairaos naman ako kaya sa mga nanay, I love you at magi-ingat kayo.
Sa lahat ng mga anak, bata man o matanda ay ito ang payo ni Moreno: “Sa mga kabataan naman, hangga’t buhay ang inyong ina at mga magulang, yakapin n’yo na kasi di natin malalaman hanggang kelan sila sa mundong ibabaw. You’ll never know kelan mo hahanapin ang iyong ina, manupa pag wala na.”
“So pag me pagkakataon kayo, mga kabataan, ngayong Mothers’ Day, kiss your mom, hug your mom and say thank you,” dagdag pa ni Moreno. (ANDI GARCIA)