Advertisers

Advertisers

Supporter ng kandidato, dinukot

0 292

Advertisers

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang umano’y pagdukot ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang supporter ng kandidato sa Bauan, Batangas noong nakaraang gabi.

Kinilala ng Bauan Municipal Police Station (MPS) ang biktima na si Saber De Jesus, alyas Samboy, 35 anyos, tubong Bocaue, Bulacan at residente ng Brgy. Inicbulan, Bauan, Batangas.

Supporter si De Jesus ng kandidatong tumatakbong kongresista sa pangalawang distrito ng Batangas.



Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, 10:00 ng gabi noong Mayo 4, habang kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa kahabaan ng daan sa Brgy. Inicbulan ng biglang may tumigil na isang itim na van sakay ang apat na hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kaagad na tinutukan ng mga ito ng baril ang biktima at pwersahang isinakay sa van sabay harurot papalayo sa naturang lugar.

Samantala batay sa datos ng himpilan, dalawang beses nang na-aresto ang nawawalang biktima dahil sa pagiging sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay provincial director PCol. Glicerio Cansilao ng Batangas PNP, na kanila nang iniimbestigahan ang naturang kaso at inaalam na ang motibo ng mga ito.

Nanawagan naman ang misis ng biktima na si Joy Antonio na ibalik na ang kanyang asawa alang-alang sa kanilang mga anak.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">