Advertisers

Advertisers

TAYTAY MAYORAL BET, NO-SHOW SA PISKALYA

Idinemanda ng mga sariling kaalyado

0 281

Advertisers

HINDI sinipot ng isang mayoralty bet ang patawag ng piskalya kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga sariling kaalyado kaugnay ng P104-milyong pondo ng pinakamayamang barangay sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Rizal.

Sa kasong inihain ng lima sa walong miyembro ng Sangguniang Barangay ng Dolores, Taytay laban kay Kapitan Allan de Leon na tumatakbo sa posisyon ng alkalde ng naturang lokalidad, pinaratangan ng iregularidad ang umano’y pagpapasa ng 2022 operating budget nang walang naganap na sesyon sa hanay ng mga kagawad ng nasabing pamayanan.

Kabilang sa mga nagsampa ng kaso laban kay de Leon sina Rufe Roy Tapawan, Jose Torio Jr., Estregan Cayton, Carl John Torres at Zyreil Mae Villanueva, na pawang kaalyado ng nasasakdal.



Sa pinag-isang pahayag ng mga kagawad ng Barangay Dolores, kinastigo ang diumano’y “one-man rule” ng naturang opisyal – “Siya na nga ang presiding officer, siya pa din kagawad, pati ang pagiging ingat ingat-yaman at pagador, siya pa rin.”

Pag-amin ni Kagawad Diego Samson, naipasa ang P104 milyong 2022 budget ng Barangay Dolores nang walang nagaganap na sesyon, bagay na aniya’y mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng mga probisyong kalakip ng Local Government Code.

“Matagal na kami lumiham sa Department of Interior and Local Government tungkol sa mga bulilyaso sa aming pondo. Pero wala naman kami natanggap na tugon kaya minabuti namin maghain na lang ng pormal na kaso sa husgado,” ayon naman kay Tapawan.

Bukod sa kasong isinampa laban kay de Leon, iniimbestigahan na rin ng Commission on Audit (COA) ang naturang opisyal kaugnay ng hindi maipaliwanag na paggastos sa pondo ng barangay mula taong 2014. Sa pagsusuri ng COA, lumalabas na P6 milyon ang hinahanap ng state auditor – kabilang ang mga tsekeng naencassh sa Land Bank of the Philippines (LBP), mga transaksyong walang kalakip na patunay ng pinagbayaran, at iba pa.

Ang Barangay Dolores ay ang pinakamayamang barangay sa nasabing bayang higit na kilala bilang Garments Capital of the Philippines.



Muling itinakda ng Rizal Prosecution Office ang pagdinig sa kasong falsification of public documents laban kay de Leon sa Miyerkules, Mayo 11, 2020.