Advertisers

Advertisers

Bilib kami kay ROBIN

0 329

Advertisers

The more people rationalize cheating, the more it becomes a culture of dishonesty. And that can become a vicious, downward cycle. Because suddenly, if everyone else is cheating, you feel a need to cheat, too. — American educator Stephen Covey

PASAKALYE:

Text massage (Reaksyon PO ito ng isang tagasuporta ni senatorial candidate at dating Philippine National Police (PNP) chief retired Gen. GUILLERMO ELEAZAR) . . .



Wala na tayo magagawa d’yan, pero bakit ang boto ni SGE sa mga bayan-bayan (e) halos pare-pareho ang percentage na nakukuha niya (na) parang naka-program na salungat sa reaksyon ng mga tao bago ang eleksyon na sinasabi nila na iboboto nila si SGE. — Nestor Acebuche (SGE Volunteers, May 05, 2022)

* * *

NGAYON pa lang—kahit hindi pa opisyal na naidedeklarang panalo—ikakampanya ko na si ROBIN PADILLA bilang pangalawang pangulo o bise presidente (kung hindi man punong ehekutibo o presidente) dahil sa ipinakita niyang performance sa katatapos pa lang na halalan na kung saan pinatunayan niyang mas ibig siyang manungkulan sa ating gobyerno ng sambayanang Pilipino sa pagkakakopo ng mahigit 26 milyong boto (ngayon pa lang).

Nakakatuwang isipin na isang tulad ni Robin ang tumalo sa bilang ng mga boto sa katulad ng Pambansang Kamao at Probinsya Muna Development Initiative standard-bearer EMMANUEL ‘Manny’ PACQUIAO o Manila mayor at Aksyon Demokratiko presidential aspirant FRANCISCO ‘Isko Moreno’ DOMAGOSO.

At kahit pa si outgoing vice president MA. LEONOR ‘Leni’ ROBREDO ay plakda dahil nasa 14.8 milyon lang ang boto niya sa mahigit 26 na milyon ni Robin.



Akalain n’yo bang kung nagharap pala sila Robin at Robredo ay tatambakan pa ng aktor ang pangalawang pangulo ng mahigit 12 milyong boto—bagay na hindi nagawa ni dating senador FERDINAND ‘Bongbong’ MARCOS JR. nang magharap sila ng dating kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Camarines Sur sa halalan noong 2016?

Maging sina Pacquiao at Moreno ay kakain ng alikabok kung silang tatlo ang naglaban sa pagkapangulo sa katatapos na eleksyon!

Kaya nga bilib tayo talaga kay Robin. Inamin nitong wala siyang salapi o pondo pero nagawa niyang mapasang-ayon ang milyun-milyon nating kababayan na suportahan ang kanyang kandidatura sa Senado.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!