Advertisers

Advertisers

Honey at Yul nag-motorcade bilang pasasalamat sa mamamayan ng Maynila!

0 73

Advertisers

NAGSAGAWA ng motorcade ng pasasalamat sina Manila Mayor-elect Honey Lacuna at Vice Mayor-elect Yul Servo sa buong lungsod upang ipadama ang kanilang pasasalamat sa mamamayan ng Maynila na nagbigay sa kanilang dalawa ng overwhelming victory sa katatapos na eleksyon.

Ang tambalan ng dalawa ay nakapagtala ng napakalaking lamang sa kani-kanilang mga kalaban. Maging ang kanilang buong tiket ay kinopo ang lahat ng Congressional seat habang nakuha naman ng buong tiket ang 34 sa 36 puwesto sa Konseho.

Ang dalawang nanalo sa pagka-Konsehal bagamat hindi kapartido ay kaalyado naman. Ito ay dahil na rin sa hindi na ma-accommodate ng kanilang lokal na partidong Asenso Manileño ang dalawang nanalong konsehal dahil sa limitasyon ng bilang sa tiket.



Sa kanilang motorcade ay mainit na sinalubong sina Lacuna at Servo ng mga residente na naglabasan sa kani-kanilang bahay upang batiin at magpakuha ng litrato sa dalawa.

Ang pinakamaraming residenteng sumalubong sa motorcade ng dalawa ay nagmula sa distrito ng Tondo na sinasabing balwarte ng angkan ni Alex Lopez na natalo kay Lacuna.

Nagpahayag ng marubdob na pasasalamat sina Lacuna at Servo sa mga Manileño sa tiwalang ibinigay sa kanila at nangakong bibigyan nila ang mga ito ng ibayong pangangalaga.

Pinasalamatan din ng dalawa si Manila Mayor Isko Moreno sa tiwalang ipinagkaloob sa kanilang team bilang kanyang kahalili. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More