Advertisers

Advertisers

Comelec iniimbestigahan pumalpak na VCMs…MAY MANGYARI KAYA?

0 371

Advertisers

SINIMULAN na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsasagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa mga nangyaring aberya sa mga Vote Counting Machines (VCMs) at SD cards noong araw ng halalan, Mayo 9.

Ayon kay COMELEC acting Spokesperson Rex Laudiangco, iniimbestigahan na nila ang insidente bago pa man ito ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Katunayan aniya, pinag-aaralan na ng national tech support center ang mga ticket habang nakipagpulong na rin sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT).



Layunin nito na pabulaanan ang mga alegasyon na mayroong naganap na dayaan sa nakalipas na halalan.

Napag-alaman na hindi bababa sa 1,800 VCMs at SD cards sa 1,867 polling precincts ang pumalya noong araw ng botohan.