Advertisers

Advertisers

Kayanin kaya ni BBM ang napakalaking problema ng Pinas?

0 294

Advertisers

NAPAKALAKING problema ang kakaharapin ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa pagsimula ng kanyang duty sa Hulyo 1, 2022.

Oo! Kaya kailangan ni BBM ng brilliant economic managers o cabinet secretaries para magamot ang grabeng sugat na nilikha ng Duterte administration.

Ang maganda lang rito ay katuwang ni BBM ang anak ni outgoing president Rody Duterte na si Vice President-elect “Inday” Sara Duterte-Carpio.



Si Sara, isang abogada, ay nakatuka maging kalihim ng Department of Education (DepED), kapalit ng 81-anyos na si Leonor Briones.

Isa sa pinakamabigat na problemang kakaharapin ni BBM ay ang gabundok na utang ng Pilipinas na higit P13 trillion gawa ng Duterte admin.

Problema rin ang patuloy na pananakop ng China sa mga karagatan ng Pilipinas sa West Philippines Sea, ang pandemya ng korapsyon at droga.

Pinangangambahan din ang paglobo uli ng kaso ng Covid-19. Na ayon sa World Health Organization (WHO) ay tataas uli ang covid cases pagkatapos ng eleksyon sa Pilipinas. Araguy!!!

At kung paano matutupad ni BBM ang pramis niyang P20 per kilo ng bigas.



Maresolba kaya ito ni BBM sa loob ng anim na taon?

Well, bigyan muna natin ng pagkakataon si BBM sa kanyang unang 100 days. Malay mo may kakaiba siyang pormula para maduktor lahat ng probemang ito. Bantayan!

***

Nagtatanong ang mga adik sa talpakan kung makakapag-operate uli ang e-sabong.

Ito ay nakadepende kay BBM. Kung okey sa kanya ang mga sugal, tiyak makakabalik yan.

Ayon sa ating sources, malaki ang naitulong ng mga may-ari ng e-sabong sa kandidatura ni BBM. That means malaki ang pag-asang makabalik ang online sabong. Kung sakali man… sana huwag na gawing magdamag ang operasyon at ibigay ang Linggo sa mga sabungan para kumita naman ang huli. At sana huwag lakihan ang porsiyento sa bawat sultada. Mismo!

***

Dapat pagbigyan muna nitong mga aktibista na makapagtrabaho sina presumptive President BBM at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio bago magsagawa ng sunud-sunod na kilos-protesta.

Anyway, ang binabanatan ng mga aktibista sa kanilang kilos protesta ay ang Comelec. Hindi sila kumbinsido sa sobrang bilis ng resulta ng bilangan, talo pa raw ang Estados Unidos. Oo nga naman, Hehehe…

Pero nandiyan naman ang PPCRV na nagsasagawa ng sarili nilang counting sa election reciepts. Okey naman daw, match naman.

Sa tingin ko, okey naman ang mga voting-counting machine. Ang hindi okey ay ang grabeng vote buying na hindi manlang napigilan ng pulisya at Comelec. Ewan!

***

Sa mga nanalong kandidato, congratulations! Sana’y magtrabaho kayo sa loob ng tatlong taon (sa lokal) at anim na taon sa national. Huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa inyo ng taongbayan. Pero kung nanalo kayo dahil sa pamimili ng boto, wala na akong masabi. Hehehe..

Tandaan: Maiksi lang ang 3 years para magserbisyo sa lokal at 6 years sa national. Ibuhos na natin ito para sa ating mga kababayan. Goodluck! Mabuhay!!! NAPAKALAKING problema ang kakaharapin ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa pagsimula ng kanyang duty sa Hulyo 1, 2022.

Oo! Kaya kailangan ni BBM ng brilliant economic managers o cabinet secretaries para magamot ang grabeng sugat na nilikha ng Duterte administration.

Ang maganda lang rito ay katuwang ni BBM ang anak ni outgoing president Rody Duterte na si Vice President-elect “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Si Sara, isang abogada, ay nakatuka maging kalihim ng Department of Education (DepED), kapalit ng 81-anyos na si Leonor Briones.

Isa sa pinakamabigat na problemang kakaharapin ni BBM ay ang gabundok na utang ng Pilipinas na higit P13 trillion gawa ng Duterte admin.

Problema rin ang patuloy na pananakop ng China sa mga karagatan ng Pilipinas sa West Philippines Sea, ang pandemya ng korapsyon at droga.

Pinangangambahan din ang paglobo uli ng kaso ng Covid-19. Na ayon sa World Health Organization (WHO) ay tataas uli ang covid cases pagkatapos ng eleksyon sa Pilipinas. Araguy!!!

At kung paano matutupad ni BBM ang pramis niyang P20 per kilo ng bigas.

Maresolba kaya ito ni BBM sa loob ng anim na taon?

Well, bigyan muna natin ng pagkakataon si BBM sa kanyang unang 100 days. Malay mo may kakaiba siyang pormula para maduktor lahat ng probemang ito. Bantayan!

***

Nagtatanong ang mga adik sa talpakan kung makakapag-operate uli ang e-sabong.

Ito ay nakadepende kay BBM. Kung okey sa kanya ang mga sugal, tiyak makakabalik yan.

Ayon sa ating sources, malaki ang naitulong ng mga may-ari ng e-sabong sa kandidatura ni BBM. That means malaki ang pag-asang makabalik ang online sabong. Kung sakali man… sana huwag na gawing magdamag ang operasyon at ibigay ang Linggo sa mga sabungan para kumita naman ang huli. At sana huwag lakihan ang porsiyento sa bawat sultada. Mismo!

***

Dapat pagbigyan muna nitong mga aktibista na makapagtrabaho sina presumptive President BBM at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio bago magsagawa ng sunud-sunod na kilos-protesta.

Anyway, ang binabanatan ng mga aktibista sa kanilang kilos protesta ay ang Comelec. Hindi sila kumbinsido sa sobrang bilis ng resulta ng bilangan, talo pa raw ang Estados Unidos. Oo nga naman, Hehehe…

Pero nandiyan naman ang PPCRV na nagsasagawa ng sarili nilang counting sa election reciepts. Okey naman daw, match naman.

Sa tingin ko, okey naman ang mga voting-counting machine. Ang hindi okey ay ang grabeng vote buying na hindi manlang napigilan ng pulisya at Comelec. Ewan!

***

Sa mga nanalong kandidato, congratulations! Sana’y magtrabaho kayo sa loob ng tatlong taon (sa lokal) at anim na taon sa national. Huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa inyo ng taongbayan. Pero kung nanalo kayo dahil sa pamimili ng boto, wala na akong masabi. Hehehe..

Tandaan: Maiksi lang ang 3 years para magserbisyo sa lokal at 6 years sa national. Ibuhos na natin ito para sa ating mga kababayan. Goodluck! Mabuhay!!!