Advertisers
SAKALING maaprubahan ng Commission on Elections en banc, maglalaan ang ahensya ng humigit-kumulang P20 milyon para sa karagdagang honoraria na ibibigay sa mga gurong nag-overtime sa serbisyo noong May 9 election, ayon kay Comelec Commissioner George Garcia .
“More or less, kulang-kulang P20 million po ang amount na pinag-uusapan natin dito. Meron naman po kami na kahit papano ay natitipid tipid pa. So ‘yung natitipid natin ngayon, ayun na lang ‘yung ipambigay natin,” pahayag ni Garcia.
Nauna nang nagsumite si Garcia ng rekomendasyon sa Comelec en banc na magbigay ng karagdagang honoraria sa mga guro at support staff na nakatalaga sa mga presinto kung saan hindi gumagana ang mga vote counting machine (VCM) at SD card.
Ipinunto nito na lahat ng miyembro ng en banc ay pabor sa nasabing mungkahi.
Sinabi ni Election Task Force (ETF) Head Atty. Marcelo Bragado Jr. na nauna nang binanggit ni Marcelo Bragado Jr. na hindi bababa sa 640,000 sa mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang nagsilbing poll workers noong 2022 elections. (Jocelyn Domenden)