Advertisers

Advertisers

Van rumagasa: 2 patay, 16 sugatan

0 201

Advertisers

Nagkalasog-lasog ang katawan ng 69 an­yos na lola at 10 anyos na nene habang 16 ang sugatan kasama ang limang bata nang salpukin ng isang rumaragasang van ang isang batang babae saka bumangga sa poste at bakod sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Ilawod Poblacion, Catanduanes, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Christine Joy Bandola, residente ng Brgy. Tamburan, Bato.

Sugatan ang mga kasama ng batang Bandola na sina Mike Angelo Bandola; Dave Michael Bandola; Alendy Taway na nagpapagaling na sa East Bicol Medical Center sa bayan ng Virac; Emi­ly Tolledo Obal; Maryjane Tatel Dela Rosa; Benjamin Dela Rosa Sr.; Jayson Tacorda, Marilou Borja at ang mga batang kinilala lamang sa mga pangalang Jen,10; Ben,10; John,7, Angelique,11; Carlo,12; Grace,15; Shaina,16 at Angel,15.



Sa ulat, 8:20 ng gabi mula sa bayan ng Gigmoto, binabagtas ng Hyundai Van (NFW-1563) na minamaneho ni Salvador Tatel, 62 anyos ng District 1, Gigmoto ang kahabaan ng nasabing highway patungong bayan ng Bato. Gayunman, nakaidlip ang driver dahilan para mabangga nito ang tumatawid na si Christine Joy at mga kasamahang bata.

Matapos araruin ang mga bata, nawalan ng kontrol ang takbo ng sasakyan at bumangga sa poste ng kuryente at nagpagulong-gulong saka bumangga sa konkretong bakod ng bahay ng nagngangalang Adoracion Rojas.

Mabilis na rumesponde ang mga kasapi ng Bato Police at Bureau of Fire Protection at isinugod lahat ang mga biktima sa pagamutan pero namatay ang bata at lolang si Tacorda.