Advertisers

Advertisers

Patong sa mga iligalista…QC DPOS OFFICIAL ‘IKINANTA’

0 362

Advertisers

PUMUTOK ang pangalan ng isang opisyal ng Department of Public Order and Safety (DPOS) na umano’y protektor ng patuloy na operasyon ng iligal na pasugal sa Quezon City kamakailan.

Ito ay kasunod ng malawakang operasyon kontra sa lahat ng uri ng iligal na sugal batay narin sa kautusan ni Quezon City District Director, Brig. General Remus B. Medina.

Ayon sa impormasyong nakalap mula sa opisyal ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng distrito, nabisto na ‘patong’ sa operasyon ang DPOS official na pansamantalang hindi pinangalanan, matapos maaresto ang mga indibidwal na naaktuhang nangongolekta ng pataya sa mga komunidad at ituro ang naturang opisyal.



Tuluy-tuloy na pumutok ang pangalan ng umano’y protektor dahil karamihan sa mga naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ay iisa ang ‘sumisingaw’ na pangalan ng kanilang ‘timbre.’

“Kaya hirap ang pamunuan ng aming barangay na masawata ang operasyon ng iligal na sugal sa aming lugar dahil sa kaniyang ibinibigay na proteksiyon,” pahayag ng isa sa mga barangay chairman na nakiusap huwag pangalanan matapos humingi ng tulong upang matuldukan na ang pamamayagpag ng iligal na operasyon sa kaniyang nasasakupan.

“May mga nahuli na dating sangkot sa iligal na sugal sa aming lugar subalit pinakakawalan lang dahil sa kaniyang galamay,” dagdag pa ng barangay official.

Dahil dito, lumakas ang panawagan ng mga pamunuang barangay sa lungsod na tutukan ng pulisya ang DPOS official na itinuturong “ninong” ng mga pasugal sa kanilang mga barangay upang maputol na ang pakpak nito sa kaniyang operasyon. (Police Files TONITE News Team)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">