Advertisers
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na walang naitatalang kaso ng monkeypox sa bansa kahit sa mga borders nito.
Una nang napaulat na mayroon nang monkeypox sa Europa, Amerika, Canada at United Kingdom.
Batay sa abiso ng World Health Organization (WHO), ang monkeypox ay isang viral disease na mula sa hayop na karaniwang natatagpuan sa tropical rainforest areas sa Central at West Africa.
Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, rashes, at swollen lymph nodes.
Nakukuha ang sakit na monkeypox sa pamamagitan ng close contact sa isang apektadong tao o hayop o sa contaminated materials.