Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog ni Angelica Panganiban ay inamin nito kung paano niya nakilala ang live-in partner na si Gregg Homan.
Nakilala naman daw nito si Gregg nang gawin nila ang Walang Hanggang Paalam.
Sa Subic naman kung saan nagkakilala sina Angelica at Gregg dahil kay Chery Pie Picache, pinagbigyan na nga raw ni Angelica si Cherry Pie para tumigil na sa pangungulit.
Pancit at lumpia pa nga ang naialok ni Gregg kay Angelica. Bago pa lang ang relasyon nila ay napag-uusapan na nila ang magka-baby at never sumagi ang usapang kasal sa kanila ni Gregg.
Kaya sa kagustuhan na mag-preggy ni Angelica nagpa-fertile ang aktres at pinauwi nito si Gregg.
Kaya nung nagbuntis ito ay di maipaliwanag na saya ang nadama ni Angelica.
May isang netizen naman ang nagtanong kay Angelica kung pagkapanganak nito ay babalik na ito sa showbiz.
‘Yung paglilihi nga raw ay hinahanap-hanap nito na ang dyowa naman niya ang kanyang pinaglilihian. Kung babalik after birth siguro raw ay nanamnamin muna ni Angelica na magpaka- nanay sa kanilang magiging anak ni Gregg.
***
Heart Evangelista nakaw-eksena sa pagrampa sa 75th Cannes Film Festival
NAGMUKHANG Disney Princess si Heart Evangelista nang umaten sa screening ng UN Petit Frere (Mother and Son).
As in nakuha ni Heart ang atensyon nang irampa nito ang eleganteng gown sa red carpet na Cannes Film Festival sa France.
As in, nakaw-eksena ang napakagandang gown na suot ni Heart matapos umaten sa screening.
Kahit nga ang mga imbitadong photog at vlogger ay hanga rin sa suot na gown ni Heart.
Halos masakop ang kalahati ng venue nang kukunan na ng picture si Heart suot ang eleganteng gown.
Umani tuloy ng maraming papuri, likes at shares ang larawan ni Heart na nag-viral-trending sa socmed.
Well, well, well…’Yun na!