Advertisers

Advertisers

Batas kontra social media trolls isusulong ng Comelec

0 213

Advertisers

HIHIKAYATIN ng Commission on Elections (COMELEC) ang Kongreso na magpasa ng batas laban sa paggamit ng social media trolls sa panahon ng kampanya.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, “mahirap” na ipatupad ang Cybercrime Prevention Act of 2012 laban sa mga pekeng user na nagpo-post ng mga libelous comments o disinformation sa mga online platforms.

Inamin din niya na dahil sa kawalan ng batas na kumokontrol sa social media sa bansa ay “walang kapangyarihan” ang poll body na i-monitor ang online campaign expenditures ng mga kandidato.



Sa pagdinig ng Senado noong Pebrero, sinabi ng isang fact-checking group sa mga mambabatas na si Bise Presidente Leni Robredo ang pangunahing target ng disinformation sa social media.