Advertisers

Advertisers

P1K SENIOR PENSION ‘OK’ NA SA SENADO!

0 433

Advertisers

NAKALUSOT na sa Senado sa third and final reading ang panukala na dagdagan ang buwanang social pension para sa indigent senior citizens na P1,000.

Ang panukalang batas ay nakakuha ng 18-0-0 na boto mula sa mga senador na nag-apruba sa Senate Bill No. 2506.

Kapag ang panukalang ito ay naisabatas, ang indigent senior citizens ay makakatanggap ng P1,000 monthly social pension.



Sa kasalukuyan, ang buwanan na senior pension ay P500 lamang, kulang na kulang kahit sa pambili ng “maintenance” ng mga matatanda.

Nakasaad din sa panukala na ang distribution ng senior pension ay gagawin ng National Commission of Senior Citizens, hindi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang counterpart measure sa House of Representatives ay nakalusot na sa final reading noon pang August 2021.