Advertisers
BINIGYANG-DIIN ni Senate President Vicente Tito Sotto, III na mas mahaba pa ang nagiging termino ng mga barangay officials kaysa sa pangulo ng bansa.
Iginiit ni Sotto na dapat nang tuldukan ang paulit-ulit na pagpapaliban ng barangay election subalit mabuti ring tanungin si President Elect Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. hinggil dito.
Sinabi naman ni Senador Imee Marcos na dahil may bago nang pangulo ng bansa, mas makabubuting ituloy na ang Barangay Election sa Disyembre para may bago ring hatol sa mga nasa baba at magkaroon ng suporta ang bagong administrasyon sa mga bagong barangay officials.
Mayroon naman na aniyang budget para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.