Advertisers

Advertisers

Sa illegal claims at onerous changes… HOUSE PROBE ITINUTULAK VS DM WENCESLAO

0 300

Advertisers

ITINUTULAK sa mababang kapulungan ng Kongreso na paimbestigahan sa committee on good government and public accountability ang kumpanyang DM Wenceslao Corp. ukol sa illegal claims at onerous changes sa Central Bay Project ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Sa resolusyon na isinumite kamakailan ni Representative Eric Pineda, layon nitong agarang imbestigahan ang diumano’y illegal claims ng DM Wenceslao kasama ang tatlo pang kumpanya dahil sa pangambang may iregularidad sa kontrata nito sa PRA hinggil sa reclamation project nito sa Central Bay.

“Malinaw na may mali at hindi akma sa Constitution ang ginagawa ng Wenceslao, kungsaan tila hina-harass nito ang PRA tulad sa paghingi nito ng agarang pag-isyu ng Transfer Certificate of Titles (TCT),” pahayag ni Pineda.



“The Memorandum of Agreement (MOA) entered into between PRA and Wenceslao, entered Sept. 14, 1989 should be evaluated in light of the constitutional prohibition that private corporations cannot hold alienable lands of public domain except by lease,” dagdag nito.

Idiniin ng mambabatas na ang mga institusyon ng gobyerno at anomang ahensya ay dapat malaya sa mga atake at panggugulo ng mga maimpluwensiyang korporasyon na pansariling kapakanan lamang ang hangad at kailangan agad itong mapigilan sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng Kongreso.